in

Mga campaign materials ng Bayan Muna at Kabataan party-lists, natagpuan sa kuta ng rebeldeng NPA sa Palawan

Nakumpiska ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang campaign materials ng Bayan Muna at Kabataan party-lists sa kuta ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Rizal sa Palawan.

Ayon sa militar, ito raw ang nagpapatunay na may ugnayan ang militanteng grupo sa mga rebeldeng komunista.

“This could prove or this could show us that they are being helped (by the rebels). If they don’t go there, and yet their campaign materials are recovered in the NPA camp, it is an indication that they communicate or have a link,” ayon kay AFP spokesperson, Marine Brig. Edgard Arevalo.

Maliban sa mga campaign paraphernalia, nakumpiska din ng militar ang ilang bala, .50 caliber “Barrett” type sniper rifle, suppressor ng M-14 assault rifle, at mga libro.

Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang party-list groups ang nagpopondo sa NPA at ang pondong nakukuha ng mga rebelde ay ipinambibili umano ng armas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0