fbpx
≡ Menu

Pangulong Duterte, nagsalita na sa diumanoy pambabangga ng Chinese vessel sa isang Filipino fishing boat

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa insidente sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS) kung saan binangga umano ng Chinese fishing vessel ang isang Filipino fishing boat.

Sa talumpati sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy sa Heracleo Alano Naval Base sa Cavite, sinabi ng Pangulo na mayroong isang national official na humihimok sa kaniya na ipadala ang warships o mga barkong pandigma ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, kung siya lang ang papipiliin ay gusto niya ng aksyon ngunit hindi na siya ngayon nasa boyhood image at mayroon siyang mga responsibilidad sa kaniyang mga balikat kung kaya kinakailangan niyang maging maingat sa mga hakbang na gagawin.

Dagdag pa ng Pangulo, ang nangyari sa Recto Bank ay isang maliit na maritime accident lamang at hindi kailangang pagsimulan ng gulo o maging dahilan para maghamon ng giyera na hindi kaya at lalong hindi handa ang Pilipinas para sa ganitong aksiyon.

“‘Yung nangyari diyan sa banggaan, that is a maritime incident. ‘Wag kayong maniwala sa mga pulitiko na bobo, gusto papuntahin ‘yung Navy, you do not send gray ships there, banggaan lang ng barko ‘yan. With all the galit and one national official even urging sending the grey ships, warships doon sa China Sea. Alam mo gusto ko ‘yan. Kung ako lang pipiliin ninyo, gusto ko ng aksyon, but I am not in my boyhood age anymore.”

“You do not send grey ships there. Banggaan lang ng barko ‘yan. Do not make it worse because that’s a fertile ground. Alam ng sundalo yan, miscommunication yan patay na. We are not yet as ready and we can never be ready in a nuclear war.”

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi siya maglalabas ng pahayag hinggil sa insidente dahil wala pang imbestigasyon at wala pang resulta kaya’t hintayin muna ang ang panig ng China hinggil dito.

“Maritime incident is a maritime incident. It is best investigated. And I do not now issue statement because there is no investigation and there is no result. Then the only thing we can do is to wait and give the other party the right to be heard. Importante ‘yan, eh,” sinabi pa ng Pangulo.

Hinimok din ng Pangulo ang Philippine Navy at iba pang tropa ng pamahalaan na kumalma ukol sa insidente.

“We’re doing it the right way. Stay out of trouble, just build on our own, huwag muna tayo makialam. Do not allow a little maritime accident, or intentional, Pahinga ka muna. Pahinga muna kayo,” pahayag pa ng Pangulo.