in

Jennifer Lopez, natulala sa pinakitang galing sa sayaw ng kabataang Pinoy sa World of Dance

Pasok na sa next round na tinatawag na “The Duels” ng American dance competition na ‘World of Dance’ ang Pinoy dance group na Vpeepz.

Ang VPeepz na binubuo ng mga kabataang Pinoy na edad 11 hanggang 16-anyos.

Pinahanga ng grupo ang mga huradong sina Jennifer Lopez, Derek Hough at Ne-Yo sa kanilang dance routine ng “How Low” ni Ludacris.

Pagkatapos ng kanilang performance, tinanong sila ni Hough kung bakit lumipad ang grupo patungong US para sumali sa kompetisyon.

Ayon sa isang myembro, nais nilang ipakita sa mundo na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang pinagmulan ay mayroon silang pagkakaisa at ang pagsasayaw ang bumuo sa kanila.

“I guess we just want to show the world that even though we’re all different, I can say that there’s unity in diversity … dance really brought us together,” sagot ng isang miyembro.

Napahanga ang judge na si Jennifer Lopez sa sagot ng miyembro.

“These kids are 11 to 16 years old. And to hear them talking about diversity and unity and love and class, it’s beyond. I wasn’t thinking that when I was 5th grade. But now you know the state that the world is in and you guys are honestly going to change the world and make it a better place,” sabi ni Lopez.

Pinuri naman ni Derek Hough ang performance lalo na ang kanilang fireman outfit.

“It’s so appropriate that you guys came out in like fireman outfits because that was absolute fire. That was insane.”

“Just like the footwork, the speed, just how in sync you all were, how sharp, how you hit everything, the formation changes, everything was so on point. It was so strong,” sabi ni Hough.

Pinuri din ng singer-songwriter na si Ne-Yo ang pagkakasabay-sabay ng sayaw ng grupo.

“Super strong formations. Super clean moves. Synchronicity — ridiculous. I say it a lot, dancing with one mind, everybody moving at the same time, on the same accord, you guys got that in spades,” ani Ne-Yo.

WATCH: VPEEPZ’S “HOW LOW” ROUTINE IS ABSOLUTE FIRE – WORLD OF DANCE 2019 (FULL PERFORMANCE)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment