in

Otso Diretso candidate Florin Hilbay tinanggap na ang pagkatalo sa 2019 midterm elections

Nag-concede na din sa 2019 midterm elections ang isa pang kandidato ng Otso Diretso na si Florin “Pilo” Hilbay.

Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Hilbay na isa sa great privileges sa kaniyang buhay ay ang makapangampanya sa taumbayan.

“The will of the people is supreme, so we respect the results of the elections. Congratulations to all the winners, may you serve the country well,” pahayag ni Hilbay.

“To all our HILBAYanihan volunteers: You all did whatever it took, and whatever you could. I am sorry that our resources did not match your brilliance, your heart, and your hope,” dagdag niya.

Samu’t saring istorya aniya ang nadinig niya sa kampanya tulad ng kwento ng pag-asa, inspirasyon, at iba pa.

Sinabi ni Hilbay na lahat ng ito ay hindi niya kalilimutan.

Sa huli ay nagpasalamat si Hilbay sa mga sumuporta sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0