in

16-anyos na dalagita, na-gang rape sa Tondo; 6 na suspek sa krimen, arestado

Naaresto ng kapulisan ang anim na rape suspek matapos ireklamo ng isang 16-anyos na dalagita na kanilang nakainuman sa Tondo, Maynila.

Unang naaresto ng pulisya ang tatlo sa mga suspek na sina Angelito Gonzales, 25-anyos, at magkapatid na Prince Jomari Diwa, 20-anyos, at Paul Cedrick Diwa, 18-anyos, kapwa mga nakatira sa Tondo.

Ayon sa ina ng biktima, nanlulumo nang umuwi sa kanilang bahay ang anak nang magsumbong sa kanya kaugnay sa panghahalay ng mga suspek.

Nauna rito, niyaya umano ng isa pang kaibigang lalaki ang biktima na mag-inuman at nang magising, nakita na niyang nakapatong si Angelito sa kanya.

Pinipilit naman umano ng biktima na pumiglas ngunit wala na siyang lakas ng katawan dahil sa hilo at panghihina.

Bago umano ginahasa ni Angelito ang biktima ay mayroon pang naunang gumawa nito habang pinanonood naman ng magkapatid na Diwa.

Sinabi naman ni Supt. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Raxabago Police Station (PS-1) na posibleng hindi lang alak ang ipinainom ng mga suspek sa biktima dahil agad na nawalan ito ng malay.

Inalok umano ng kasal ni Angelito ang biktima at sinabing nagawa lamang nito dahil sa sobrang kalasingan ngunit hindi pumayag ang ina ng biktima at pursigidong kasuhan ang mga ito.

Sasampahan ang anim ng kasong Rape in Relation to RA 7610 habang isasailalim sa counselling ang biktima dahil sa traumang pinagdanaan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment