ABS-CBN, dapat noon pa nag-sorry sa kabiguan na maipalabas ang political ad ni Pangulong Duterte — Malacañang

ABS-CBN, dapat noon pa nag-sorry sa kabiguan na maipalabas ang political ad ni Pangulong Duterte — Malacañang

Dapat ay matagal nang nag-sorry ang ABS-CBN kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kabiguan nitong maipalabas ang political ad nito noong 2016 campaign period.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang komento matapos na humingi ng paumanhin ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak sa ginanap na Senate inquiry kaugnay ng mga isyu sa prangkisa ng network na ipinare-revoke ni Solicitor General Jose Calida.

“I’m glad finally ABS-CBN has admitted its shortcomings to the President. Dapat noon pa nila ginawa,” ani Panelo sa ginanap na Palace press briefing.

Ipinunto ni Panelo ang pag-amin ng ABS-CBN na nabigo ang network na iere ang P7 million worth ng political ads ng Pangulo dahil hindi na kakayanin ng nakalaan na air time.

“Alam ninyo na may atraso kayo. May ginawa ba kayo? ‘Yun nga yung tinatawag na hubris, masyado kayong mayabang,” aniya.

Idinagdag niya na nasa Pangulo na kung tatanggapin ang apology ng ABS-CBN:

“I do not know. Nasa Presidente ‘yun, its personal to him. That’s for him. Its personal thing. Matagal ng nangyari yun, kung hindi nag-alburuto sa yo saka ka lang hihingi ng paumanhin. I don’t know how to respond to that. I’ts a personal decision,” ani pa Panelo.

Muli namang tiniyak ni Panelo na ang Palasyo ay hindi makikialam sa isyu ng franchise renewal ng Kapamilya network.

Source: Balita Central, Philippine News Agency