NAG-AALALA SIYA SA BANSA! Bam Aquino, nagsalita tungkol sa nadarama ni Noynoy Aquino

Labis na ikinalungkot ni dating Senator Bam Aquino ang pagpanaw ng kanyang pinsan na si dating President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na umano’y ibinigay ang lahat para sa Pilipino.

Diin ni Bam, mabigat umano ang loob ni Noynoy sa mga nangyayari ngayon sa bansa bago ito pumanaw.

“Mabigat sa loob niya ang mga nangyayari sa bansa. Worried siya sa bansa, dinibdib niya ‘yun – mula sa mga nangyayari kaugnay ang China, kalagayan ng mga naghihirap lalo sa bansa, pati mga fake news,” pahayag ni Bam.

Umaasa naman si Bam na maalala ng mga Pilipino si Noynoy bilang isang tapat na lider ng bansa na nagsikap sa kanyang kapwa.

Aniya, kung paano nakilala noon si Noynoy sa ‘tuwid na daan’, ‘walang wangwang’ at ‘kayo ang boss ko’ ay siyang tunay umanong karakter nito na sana ay hindi makalimutan ng taumbayan.