Ping Lacson, inalok ni Manny Pacquiao na maging VP para sa 2022 national elections

Ibinunyag ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na determinado si Senator Manny Pacquiao sa pagtakbo para sa pagkapangulo sa 2022 national elections.

Ito aniya ang sinabi sa kaniya ni Pacquio sa isang pag uusap nila sa Senado.

Aniya, inalok siya ni Pacquiao na maging running mate nito para sa darating na halalan.

“We had a hearing in the committee of the whole. We were at the Senate lounge, he approached me and asked, ‘Are you going to run, boss?’ I replied: ‘I am still thinking, it’s very tentative. How about you?’ I asked him and he answered: ‘I’m determined,’” lahad ni Lacson.

Dahil naman hindi pa tiyak ang pagtakbo ni Lacson sa national elections, ay sinabihan nito  si Pacquiao na ikunsidera si Senate President Tito Sotto III na maging running mate nito kung tatakbo sa pagkapangulo.

“I told him: ‘If I won’t run, maybe you can get SP as your VP?’ He said: ‘We’ll talk about it.’ So we’re in that situation,” dagdag niya.

Samantala, tiniyak ni Pacquiao na tuloy ang boxing match nito kay Errol  Spence Jr. sa buwan ng Agosto.

Sa isang pahayag ay sinabi nito na patungo na ito ng Amerika ngayong Sabado, July 2 para sa naturang laban.

“Tuloy ang aking laban at nakatakda akong umalis ngayong weekend par kunga bigyan ng dangal ang ating bansa. Masaya ako kapag nagkakaisa ang lahat ng Pilipino para manood ng bawat laban ko,” saad ni Pacquiao.