in

17-anyos na suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Silawan, gumamit ng pekeng FB account sa krimen

Nagpanggap na ibang tao at gumawa ng Facebook account ang 17-anyos na dating nobyo ng pinatay na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay Tomas Enrile, Regional Director, National Bureau of Investigation (NBI)-Region 7, sinuri nila ang Facebook messages kay Silawan at nakita nila na tila may bagong manliligaw ang 16-anyos na biktima.

Aniya, nang makapalagayan na ng loob ni Silawan ang bagong kaibigan sa Facebook, nagkasundo silang magkita sa labas ng simbahan noong gabi ng Marso 10.

Sa inilabas na CCTV footage, makikita na naghintay si Silawan malapit sa simbahan kung saan ito nagsisilbing kolektor.

Pero ang dumating sa lugar ay ang 17-anyos na dati niyang nobyo at suspek ngayon sa karumal-dumal na pagpatay sa biktima.

Sa ilang kuha ng CCTV, sinabi ni Enrile na mapapansin na tila nagtatalo ang biktima at ang suspek.

Paliwanag ni Enrile, patuloy naman nilang inaalam kung bakit sumama ang biktima sa suspek na umamin na sa krimen.

Umamin na naman ang suspek sa nagawang krimen at itinuro ang dalawa pa niyang kasama.

Kasalukuyan na nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cebu ang suspek at nahaharap sa reklamong murder in relation to the Cybercrime Prevention Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment