in

Nanay, sinampal ng tsinelas ng kanyang malditang anak dahil lamang sa pagkain

Isang matandang nanay ang mangiyak-ngiyak na lumapit sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action para ireklamo ang kanyang dalawang anak na babae.

Dumulog si Maria Magdalena Austria, 62-anyos, kay Raffy Tulfo dahil sa sobrang pang-aapi na ginawa sa kanya kung saan sinampal pa siya ng bunsong anak ng tsinelas.

Napag-alaman na may matinding hindi pagkakaunawaan si Nanay Magdalena sa mga anak niyang sina Irish Gryzel Galon, 36-anyos, at Kren Austria, 30-anyos.

Ayon sa kuwento ni nanay, ang pinagmulan daw ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay dahil sa pagkaing sushi.

Nag-request umano si nanay sa kanyang panganay na anak na gawan ng sushi ang kanyang uncle dahil isang Hotel and Restaurant Management (HRM) graduate siya, pero hindi ito nagawa at dito na nagsimula ang problema.

Ayon sa panganay ni nanay, sinisiraan daw kasi ni Nanay Magdalena ang kanyang mga anak at apo, pero giit ni nanay na nais niyang huwag nang ihome-school ang mga bata at pag-aralin sa regular school para makisalamuha sa ibang bata.

Ikinwento rin ni Nanay Magdalena na dahil sa bastos na pagsagot ni Kren sa kanya, nagawa siyang sampalin nito ng tsinelas.

Nagmistulang estranghero si nanay sa sariling bahay at hindi na umano makagalaw, bagkus ang dalawa pang anak ang maraming ipinagbawal sa kanya.

Sa huli, nais ni Raffy Tulfo na palayasin na ang mga malditang anak dahil sa sobrang pang-aaping ginawa kay Nanay Magdalena, pero umaasa parin si nanay na magkaayos pa sila ng mga anak.

PART 1 | NANG DAHIL SA SUSHI, NANAY, INAPI NG KANYANG MGA MALDITANG ANAK!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0