fbpx
≡ Menu

24-anyos na graduating student, natagpuang patay at nakasilid sa isang storage box sa Laguna

24-anyos na graduating student, natagpuang patay at nakasilid sa isang storage box sa Laguna

Natagpuang patay ang isang graduating student sa gilid ng kalye sa Biñan, Laguna.

Ang bangkay ng biktima ay isinilid pa sa isang plastic storage box.

Ayon kay Police Lt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan City Police, kinilala ang biktima na si Carl Laurence Demerey, 24-anyos, estudyante ng Arellano University.

Base sa imbestigasyon, madaling araw ay may nakakita sa dalawang lalaki na sakay ng isang van na nagtapon ng storage box.

Sinita pa sila ng isang tanod at sinabihang bawal magtapon ng basura doon.

Nalaman ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa mga identification cards nito, kabilang na ang school ID.

Isang tricycle driver ang nakakita sa plastic storage box at laking gulat na lamang niya na bangkay ang laman nito.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pamamaslang at inaalam ang mga nasa likod nito.

PANOORIN: BANGKAY NG COLLEGE STUDENT NA ISINILID SA KAHON SA LAGUNA