Bong Banal, umano’y boses sa likod ni Bikoy; masugid na taga-suporta ng Liberal Party

Bong Banal, umano’y boses sa likod ni Bikoy; masugid na taga-suporta ng Liberal Party

Itinuro ng Malacañang na si Bong Banal umano ang narrator sa lumabas na “Ang Totoong Narcolist’ propaganda video.

Sa briefing sa Malacañang, sinabi na si Banal ay isang miyembro at administrator ng ilang mga Facebook group at page na kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte at sumusuporta sa Liberal Party.

Ayon pa sa presentasyon sa briefing, si Banal ay nagtatrabaho bilang photojournalist at graphic artist para sa Rappler, na matatandaang kasama sa “oust-Duterte matrix” na gusto umanong mapatalsik ang Pangulo.

Napag-alaman na may kontribusyon si Banal sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kabilang sa mga pangalang lumabas sa presentasyon ay sina Sen. Antonio Trillanes III, Ellen Tordesillas, dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Cocoy Dayao, Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) founding Chairman Joma Sison, Arman Potejos at si Rodel Jayme na una nang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI).