in

Mga opisyal ng MWSS, pinatawag ni Pangulong Duterte kaugnay ng water crisis sa Metro Manila

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga opisyal ng Manila Water and Sewerage System (MWSS).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador, magbibigay-ulat ang mga opisyal ng MWSS sa Pangulo ukol sa sitwasyon sa water supply pati na ang ginagawang hakbang para hindi na maulit ang nangyaring krisis sa tubig

Ito ay matapos ang kunsumisyon ng mga residente sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa nararanasang water crisis.

Magugunitang nitong nakalipas na araw, inatasan ng Pangulo sa MWSS na pakilusin ang Maynilad Water at Manila Water para agad magpalabas ng tubig mula sa Angat Dam para sa mga taga-Metro Manila at kalapit na lalawigan na aabot ng hanggang 150 araw.

Kapag hindi aniya masolusyonan ang problema sa suplay ng tubig ay personal na pupuntahan ng Pangulo ang mga opisyal sa kanilang mga opisina para panagutin ang mga ito.

Sa ginawang pagdinig naman sa Senado, kinumpirma ng MWSS na nasa 92 porsyento na ang kanilang naseserbisyuhan at naibabalik ang normal na suplay ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment