≡ Menu

Pangulong Duterte bilib sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno: Bilib ako sa kanya. Mas mahusay siya kaysa sa akin

Pangulong Duterte bilib sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno: Bilib ako sa kanya. Mas mahusay siya kaysa sa akin

Nagpahayag ng paghanga si Pangulong Rodrigo Duterte kay Manila Mayor Isko Moreno at sinabing mas mahusay ang bagong alkalde ng kabisera ng bansa kaysa sa kanya.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na nanonood siya sa mga mga talumpati ni Mayor Isko at nakikita niyang mas mahusay ang paraan ng pamumuno nito kaysa sa kanya.

“Bilib ako sa kanya. Nanonood ako kung nagsasalita siya, mas mahusay ang resolve siya kaysa sa akin, sa totoo lang,” ayon sa Pangulo.

Magugunitang naging laman ng mga balita si Mayor Isko ilang araw pa lang nang maupo sa pwesto dahil sa malawakang cleanup operations nito sa lungsod ng Maynila.

Pinaigting din ng alkalde ang kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga.

Pinasalamatan naman ni Mayor Isko ang Pangulong Duterte dahil sa papuri sa mga ginagawa nito sa Maynila.

Ayon sa alkalde, isang nakakataba ng puso ang nasabing papuri ng Pangulo.

“Thank you for the kind words Mr. President but to be really honest, isa po kayo sa mga naging inspirasyon ko sa kung ano mang klase ng liderato na meron kami,” saad ng alkalde.

Inalala din ni Mayor Isko yung mga panahon na bumibisita siya sa Davao City at kung paano pinapatupad ang batas sa lungsod.

“Naalala ko po nung lage akong nagagawi sa Davao nung araw. Di naman po lingid sa kaalaman ng karamihan, lalong lalo na yung mga taga Maynila na ako po ay naninigarilyo. Pero pag nasa Davao City po ako, takot na takot po akong manigarilyo dahil alam kung huhulihin ako,” ani Mayor Isko.

“In fact there was one time, galing po kami ng Tagum pabalik ng Davao City. Medyo dis oras na ng gabi pero biglang bumagal po ang takbo ng sasakyan namin so tinanong namin yung driver kung bakit. Simple lang yung sagot nya. “Kasi po nasa Davao City na tayo. Kahit gabi ho dito, may pulis man o wala, sumusunod po kami sa batas trapiko,” dagdag pa niya.

Diin ni Mayor Isko, isa daw si Pangulong Duterte sa naging inspirasyon niya pagdating sa pamamahala.

“So I think kung ano man ang nakikita nating pagpupursige ng mga alkalde sa buong Pilipinas, hindi lang po ako, ay reflection lamang ng klase ng liderato at Pangulo na meron tayo,” ani Isko.

“As I always say, it’s not the severity of punishment itself but the certainty of getting caught that deters a person from committing a crime. So we owe it to you Mr. President, for inspiring us and for becoming a good example to all of us,” dagdag niya.