in

8 opisyal ng PhilHealth na sangkot sa mafia sa loob ng ahensiya, pinangalanan sa Senado

Ibinunyag sa Senado ng dating board member Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang walong opisyal ng ahensiya na diumano’y bahagi ng ‘mafia’ o sindikato sa loob ng ahensiya.

“Yung ‘mafia,’ is a closed group of people in a particular field having control of all influence,” pahayag ni dating PhilHealth board member Roberto Salvador sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Salvador, karamihan umano sa kanila ay nanatili pa rin sa kanilang posisyon sa loob ng 20 taon.

“Hindi ko sinasabi na meron silang case ng extortion, they have influence, ang ginagawa nila, sinisira nila ang present administration kung gagalawin sila,” sabi ni Salvador.

Nilinaw naman ni Salvador na hindi sinasabing tiwali o may nagawang kurapsyon ang mga ito kundi tinawag nilang mga mafia dahil sa mga ipinagmamalaking impluwensiya sa gobyerno at ayaw na nagagalaw sila sa kanilang posisyon.

Sinasabing mayroong tinatawag na Mindanao group na hindi natitinag sa kanilang puwesto pero meron ding nakaposisyon sa Luzon at Visayas.

Ang kasapi ng mafia ay ang sumusunod:

– Paolo Johan Perez, Regional Vice President (RVP) of PhilHealth Regional Office 4B

– Khaliquzzaman Macabato, RVP of PhilHealth Regional Office ARMM

– Valerie Anne Hollero, Assistant Corporate Secretary

– Dennis Adre, RVP of PhilHealth Regional Office XII

– Miriam Grace Pamonag, Former PhilHealth Vice President for Region XII

– Masiding Alonto Jr., RVP of PhilHealth Regional Office Region X

– Jelbert Galicto, RVP of PhilHealth Regional Office CARAGA; at

– William Chavez, RVP OF PhilHealth Regional Office Region VI

Pinagpaliwanag naman ni Senator Richard Gordon, chairman ng komite ang mga inakusahan ni Salvador.

Giit ni Hollero, binasagan silang mafia dahil sila diumano ang tumestigo noon sa pagdanig sa Kamara noong 2017 hinggil sa fraudulent activities sa PhilHealth.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang sindikato sa PhilHealth.

Isinagawa ang pagdinig ng komite sa mga anomalya sa naturang ahensiya na ibinulgar ni Senator Panfilo Lacson sa isang privilege speech kamakailan.

Samantala, sinabi naman ni Senator Sonny Angara na malinaw na ‘pinakialaman’ ng mga tiwaling indibidwal ang milyun-milyong pondo ng PhilHealth na nagresulta sa pagkakawaldas ng sana’y budget para sa mga pangangailangang medikal ng mamamayang may malulubhang karamdaman.

Sa ginawang pagdinig, napatunayang hindi na bago ang anomalyang ito kundi matagal nang nangyayari sa loob ng institusyon.

“Clearly, the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) has a multitude of problems that has led to this situation where we have individuals and health care providers defrauding the government of hundreds of millions in funds that should be going to Filipinos struggling to cope with their medical needs,” ayon kay Angara.

“While we are still uncovering more anomalies taking place within our state health insurance provider, there are already steps that we can take to help stop the bleeding,” dagdag niya.

Pangunahing sa gustong ilagay ni Angara sa PhilHealth ang anti-fraud system.

“First, PhilHealth should beef up its anti-fraud system. Mas maraming “integrity units” to vet, validate and verify claims, hindi naman lahat but at random, to capture inaccuracies,” ayon kay Angara.

“Meron dapat na tulad ng internal affairs service sa kapulisan na nakatutok sa mga procedures. At ngayon na si Gen. Ricardo Morales ang president at CEO ng PhilHealth, tiyak na kayang kaya niya ipatupad ito,” dagdag pa niya.