fbpx
≡ Menu

KAPA investors, pinapa-impeach at pinagbabayad ng P3-B danyos si Pangulong Duterte

KAPA investors, pinapa-impeach at pinagbabayad ng P3-B danyos si Pangulong Duterte

Nagpasaklolo na sa Supreme Court (SC) ang mga miyembro ng KAPA Community Ministry International para pigilin ang kautusan ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ipasara ang umano’y religious organization.

Sa inihaing petisyon ng Rhema International Livelihood Foundation o Cirfund, grupo ng mga investors ng KAPA, hiniling nila na payagan na muling magsagawa ng religious operations ang organisasyon.

Inakusahan pa ng grupo ang SEC na nagdesisyon batay lamang sa hearsay at hindi binigyan ng pagkakataon na pakinggan ang panig ng KAPA.

Inihirit ng grupo na dapat silang bayaran ng gobyerno ng P3 billion bilang compensatory damages.

Iginiit pa ng grupo na dapat ay ma-impeach ang Pangulo Rodrigo Duterte kasunod ng kautusan nito na naglagay sa alanganin sa kanilang investment, at dahil sa paglabag sa Article II Section 6 (separation of church and state) at Article III (Bill of Rights) of the Constitution.

“Let all private respondents—Rodrigo R. Duterte and Chairman Emilio B. Aquino, chairman of the Securities and Exchange Commission (SEC)—pay the compensatory damages amounting to P3,000,000,000.00 for destroying Cirfund, an online platform project of Rhema International Livelihood Foundation Inc. and be dismissed from office and the President be submitted for an impeachment proceedings for culpable violation of Art. II Sec. 6 and Art. III known as the Bill of Rights of the Philippine Constitution.”

Matatandaang ipinag-utos ng Pangulong Duterte ang pagpapasara sa KAPA dahil sangkot ito sa investment pyramiding scam.