in

Bato Dela Rosa, handang pasukin ang seminar at trainings sa paggawa ng batas

Inihayag ni dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa, na isa sa mga nangungunang senatorial bets, na nais niyang magkaroon ng seminars sa paggawa ng batas sakaling maluklok siya sa posisyon.

Aminado si Baro na kailangan niya pang matutunan ang mga bagay na ginagawa ng isang senador.

“Ewan ko kung meron bang seminar diyan, o ano bang training diyan para matutunan ko yung paano gawin ‘yung batas. Ano bang trabaho namin diyan sa Senado? Kung merong ganon, I’ll take that opportunity na para matuto ako,” ani Bato.

Kaugnay nito ay sinabi ni Baro na wala siyang balak na aralin kung paano gumawa ng batas kung gagawin ito sa University of the Philippines.

Ayon kay Baro, alanganin siya sa UP dahil sa pagiging anti-military at anti-police ng unibersidad.

Base sa huling partial at unofficial tally ng mga boto para sa May, 2019 midterm elections ay nakalikom si dela Rosa ng mahigit 18-million na mga boto at kasalukuyang nasa ika-limang pwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment