in

Paolo Duterte, may mensahe sa ika-74 na kaarawan ng kanyang ama na si Pres. Rodrigo Duterte

Nagpaabot ng pagbati si dating Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte para sa ika-74 na kaarawan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat si Pulong sa kanyang ama sa pagbibigay ng oras sa kanila sa kabila ng busy schedule nito.

Tiniyak ni Pulong na siya at kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang haharap sa mga kalaban at bumabatikos sa kanyang ama.

Nabatid na plano lamang ng Pangulo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan na manatili sa kanyang bahay sa Davao City kasama ang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0