fbpx
≡ Menu

Konstruksyon ng Sangley Airport, pinamamadali ni Pangulong Duterte para maging operational sa Nobyembre

Konstruksyon ng Sangley Airport, pinamamadali ni Pangulong Duterte para maging operational sa Nobyembre

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Sangley Point International Airport sa Cavite para mailipat ang mga domestic flights mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, batay sa orihinal na plano ng Department of Transportation (DOTr) sa December pa sana bubuksan ang operasyon ng Sangley Airport pro hindi na ito mahintay ng Pangulo.

Gayunman, sabi ni Panelo, nakasalalay kay DOTr Secretary Arthur Tugade kung kailan bubuksan ang bagong alternatibong airport para sa domestic flights.

Ipinag na ni Tugade ang 24 oras o 24/7 na konstruksyon ng Sangley Airport para maging operational sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.

Ayon kay Tugade, kumuha na sila ng dagdag na manggagawa, nagpapatupad ng extended working hours at nagpasok ng karagdagang equipment para matiyak na matatapos ito sa mismo o bago ang itinakdang operational timeline ng Pangulo.

“Whatever it takes, we need to make sure that the directive of the President is delivered. Hire more manpower to work 24/7. That has to be finished on or before the timeline set by President Duterte,” saad ni Tugade.

Ilan sa mga dapat ayusin sa lugar ang runway, apron, passenger terminal building, suplay ng kuryente, drainage system at site development.