United States, naglaan ng P126M para suportahan ang edukasyon sa Pilipinas ngayong may COVID-19 pandemic

United States, naglaan ng P126M para suportahan ang edukasyon sa Pilipinas ngayong may COVID-19 pandemic

Magbibigay ang gobyerno ng United States (US) ng PHP126 milyon (USD2.5 milyon) para tulungan ang Pilipinas sa “learning continuity plan” ng ating bansa sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Makikipagtulungan ang US Agency for International Development (USAID) sa Department of Education (DepEd) para mabigyan ang ating mga guro ng “instructional strategies and learning materials” na nakadisenyo para magamit “in both school and home learning environments”.

Aagapayan din ng USAID ang DepEd sa paggawa ng “rapid, easy-to-use assessment tools” para sa mga guro para masukat at masuportahan ang “literacy skills” ng mga estudyante pag nagbalik na ang mga ito sa paaralan.

“The US government, through USAID, remains committed to ensuring young students have the opportunity to continue to learn despite the challenges that COVID-19 has created,” ayon kay USAID Mission Director Lawrence Hardy.

Makikipag-ugnayan din ang USAID sa private sector at sa media “to disseminate advice through radio broadcasts as well as assist parents by designing learning activities that can be done at home”.

Sinabi ng US embassy sa Maynila na mahigit sa 27.7 milyong kabataang Pilipino ang “at risk of significant learning loss due to extended school closures and disruptions during the pandemic”.

“Students in early grades are particularly vulnerable to learning loss because they need significant support from their parents, teachers, and caregivers. This is also a critical stage in young children’s education as they develop literacy, numeracy, and social-emotional skills, which are foundations for lifelong learning,” ayon sa USAID.

Sinabi pa ng US embassy na simula nang lumaganap ang virus, ang USAID at ang DepEd ay nagtutulungan na para matiyak na ang mga guro ay makapagpapatuloy ng pagtuturo at ang mga estudyante ay matututo habang sarado pa ang mga paaralan.