in

Death Penalty Bill, mas madali nang buhayin sa pagpasok ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa Senado

Mas madali nang buhayin ng bagong Senado ang parusang kamatayan o death penalty para sa mga nakalaboso dahil sa high-level drug trafficking sa bansa.

Ito ay matapos manguna sa sentorial race ang karamihan sa mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabor sa nasabing panukala.

Inihayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mataas ang tsansang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa dahil madadagdagan na ang mga senador na pro-death penalty.

“Karamihan sa mga nasa top 12 tulad ni Bato Dela Rosa ay sang-ayon sa death penalty subalit para lamang sa mga heinous crime tulad illegal drug trade,” ayon kay Sotto.

Ayon kay Sotto, naging basehan din nito ang pagboto ng mga mamamayan dahil alam ng publiko kung sinu-sinong kandidato ang pabor at hindi pabor sa death penalty.

“It’s a possibility now because nadagdag nga ‘yung pro-death penalty pero sino bumoto sa kanila? ‘Yung mga tao. Di ba alam nila ‘yung mga pro-death at hindi?” ani Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na payag na siyang huwag ipasa ang nasabing panukala ngunit kung mataas ang kaso ng drug trafficking sa bansa, kailangan na itong ipatupad.

Ipinunto ni Sotto na tanging Pilipinas na lang ang bansa sa Asya ang walang death penalty laban sa drug trafficking kung kaya’t naging paboritong puntahan ang bansa ng mga nagma-manufacture at nagta-transhipment ng ilegal na droga.

Matatandaan na pumasa na ang death penalty sa House of Representatives na pinamunuan noon ni dating House Speaker Pantaleon Alverez, habang nakabinbin naman ang panukala sa Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0