Malacañang sa umano’y mastermind ng Bikoy videos na si Antonio Trillanes: He evolved to be a political attack dog

Malacañang sa umano’y mastermind ng Bikoy videos na si Antonio Trillanes: He evolved to be a political attack dog

Sa halip na mag-ingay muli laban sa gobyerno, pinayuhan ng Malacañang si outgoing senator Antonio Trillanes IV na harapin ang seryosong alegasyon ng pagiging mastermind at pakikipagsabwatan sa sa Liberal Party (LP) sa umano’y planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi umano dapat magpakasiguro si Trillanes na hindi ito makukulong dahil sa seryosong alegasyon sa kanya ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na utak sa black propaganda videos para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.

Dalawang beses aniyang naglabas ng black propaganda si Trillanes, una ang umano’y malaking bank account ng Pangulo sa bangko bago ang Presidential elections noong 2016 at ang pangalawa ay ang narco propaganda videos na itinuturo sa kanya.

“After having been set free from incarceration by the previous administration, one would expect him to learn his lessons and repay the nation that educated, fed and clothed him, with a record of selfless public service. Instead, he evolved to be a political attack dog setting fire to a vicious black propaganda against the President, who was then a City Mayor of Davao, of having a fictitious bank account amounting to 211M Pesos when the latter only had about Sixteen Thousand Pesos deposited at the Ortigas branch of BPI. He deviously released this black propaganda a week before the presidential elections, almost identical to the time frame of the release of the recent videos of Bikoy before the midterm national elections. The two black propagandas are eerily similar as to the timing of their release,” sabi ni Panelo.

“While many will wish Mr. Trillanes good riddance as he is about to leave the hallowed halls of the Senate at the end of June of this year, we will instead wish him luck as he faces another prospect of being placed behind bars again as the self-confessed black propagandist turns against his master, even as his victims look forward to seeing the Senate, or better yet the Government, without the cantankerously obnoxious coup plotter,” dagday niya.

Nabahag aniya ang buntot ni Trillanes nang idiin ni Advincula, taliwas sa naging aksiyon nito nang unang lumabas ang narco videos na tuwang-tuwa pa at panay ang banat sa Pangulo.

Idinagdag pa ni Panelo na ang pinakamalaking maituturing na nagawa ni Trillanes sa bansa ay ang nakatakda nitong pag-alis sa senado matapos ipakita ang karakter nito bilang taga-sira ng reputasyon ng mga tao, tulad ng ginawa kay dating Ret. General Angelo Reyes na nagpakamatay dahil sa pambabastos at panghihiya nito na nasaksihan ng buong bansa.

“Mr. Trillanes’ greater service to the nation is his mandatory exit from the Senate where he distinguished himself as a destroyer of reputations of people, including causing the self-extinction of a gentleman military officer whom he disrespected and humiliated before the nation,” sabi pa ni Panelo.