in

VIRAL: Isang paaralan sa Imus, Cavite, naka-tiles ang buong school grounds

Umani ng papuri ang isang pampublikong paaralan sa Imus, Cavite dahil ginulat nito ang mga netizens nang makita na naka-tiles ang buong school grounds nito.

Sa mga larawang ibinahagi sa Facebook ni Arturo Rosaroso, principal ng Imus National High School, kitang-kita na maaliwalas at malinis ang school grounds ng paaralan na nababalutan ng mga tiles.

Ipinagmamalaki ni Rosaroso ang kanyang pinamumunuang paaralan at sinabing disiplina ang dahilan kung bakit mayroong pag-unlad sa Imus National High School.

“Sa lahat ng pumasok sa Imus National High School, dapat disiplinado ka dito. A culture of academic excellence and discipline,” sabi ni Rosaroso sa kanyang Facebook post.

Tuwang-tuwa naman ang mga alumni ng Imus National High School na nakikita ang malaking improvement ng kanilang alma mater.

“Thank you po sir Arturo Rosaroso. Napakalaki po ng improvement ng INHS. Sobrang nakakaproud graduate po kami sa school na yan,” pahayag ng isang netizen.

Bukod sa kalinisan at naka-tiles na school field, kamakailan ay nag-kabit din ng solar panels sa nasabing paaralan bilang bahagi ng kanilang energy conservation and efficiency program.

Nakatakda ring pasinayaan ang bagong gawang main gate at dalawang four-storey buildings na naglalaman ng mahigit 30 classrooms.

Nagbunga naman ang disiplina ng mga taga-Imus National High School pagkat maliban sa papuring nakukuha mula sa mga netizens, itinanghal din ng Gawad Kalasag ang paaralan bilang Best Secondary Public School sa buong Region IV-A.

Ayon kay Rosaroso, mas maraming proyektong pangkalinisan pa ang ilulunsad para sa mas komportableng paaralan sa mga estudyante ng kanilang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0