in

Lalaking nangholdap sa isang tindahan at nanggahasa ng babaeng tindera, huli sa CCTV

Isang lalaki ang nahuli sa CCTV na nangholdap sa isang tindahan sa Mabolo, Cebu City.

Hindi pa nasiyahan ang walang pusong lalaki, sinaktan ang tindera at walang awang hinalay bago tuluyang tumakas.

Ayon kay Anne Dionson Batucan, nagkunwari umano ang suspek na bibili ng candy.

Sa pagpasok ng tindera ay sumunod ito sa kanya ay doon na daw nagdeklara ng holdap ang suspek.

Pinalo pa ng suspek ng bato sa ulo ang biktima at dinala sa likuran ng tindahan para halayin.

Marahil dahil na rin sa takot, hindi na nagawang manlaban ng biktima.

May hawak rin umanong bote ng softdrinks ang suspek at nagbanta na ipu-pokpok ito sa ulo ng biktima kapag nag-ingay.

Sa ngayon ay naka blotter na ang ginawang krimen ng suspek sa Mabolo Police Station at kasalukuyan namang pinaghahanap ng awtoridad.

Hiling ni Batucan na kung sakaling may makakita at makakaalam sa kinaroroonan ng suspek ay ipagbigay-alam ito sa pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0