NAKATIPID KAMI NG P40M! PNP Chief Eleazar, niresbakan si Manny Pacquiao

Ipinagmalaki ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na nasa P40 milyon ang natipid ng kapulisan sa pagbili nito ng mga body camera.

Ito ay bilang sagot na rin sa mga alegasyon na kasama ang PNP sa mga sangay ng pamahalaan na nasa listahan ni Senador Manny Pacquiao ng mga corrupt na ahensya.

“We are coordinating with the office of Senator Pacquiao to verify if he indeed mentioned the PNP in his alleged list of corrupt government agencies through the procurement of body cameras,” ani Eleazar.

Dagdag pa ni Eleazar, sakaling kasama nga ang PNP sa mga kuta ng korapsyon sa gobyerno na ngayo’y iniimbestigahan ng mambabatas, hihingan niya si Pacquiao ng mga kaukulang detalye na susuporta rito.

Ipinangako rin ni Eleazar na susuriin nilang maigi ang anomang pwedeng ibato sa kanila ng senador kaugnay ng pagbili ng mga body camera.