in

Pangulong Duterte sa senatorial slate ng oposisyon: Otso Diretso na papuntang impiyerno?

Sa kanyang pagbida sa kwalipikasyon at plataporma ng kanyang mga kandidato, binanatan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang senatorial slate ng oposisyon na “Otso Diretso”.

Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Zamboanga City, sinabi nito na ang Otso Diretso ay diretso sa impyerno at makakapal ang mukha.

Giit ng Pangulo na wala na ibang ginawa ang mga taga-Otso Diretso kundi ang batikusin ang kanyang administrasyon.

“Sinong ipalit mo diyan sa ‘yang ‘Otso Diretso’ papuntang impiyerno? Totoo lang, hindi ako na-ano. Walang ginawa ‘yang mga tao na ‘yan puro criticize, hindi pa maniwala,” sabi ng Pangulo.

Halimbawa na lamang aniya ang kanyang nakalaban noong 2016 presidential elections na si Mar Roxas na ngayon ay kumakandidatong muli sa pagka-senador.

Ayon sa Pangulo, hindi kayang talunin ni Roxas ang kanyang pambatong senador ngayon na si dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go.

KAY MAR ROXAS:
Iginiit pa ng Pangulo na hanggang yaya na lamang si Roxas dahil naipakita na niya ang kanyang best noong panahon ng kampanya at aniya walang ginawa kundi humawak ng iba’t-ibang cabinet position sa ibat-ibang administrasyon.

“Mar Roxas. Susmaryosep. Hambugero man ito. Pagpasok niya doon sa Cebu, sabi niya “Oh Mar Roxas.” Ganun kaagad siya. Kita niya si Justice Zubiri. “Hi Justice Zubiri, good morning,” sabi ng Pangulo.

“Sabi ko mayabang – mga justice lang ang kilala niya. Sabi ko, tama ka na Mar, yaya ka lang. Ewan ko kung gawain ninyong senador. Wala na ito. Napakita na niya. Kung ‘yung kampanya ipinakita niya ang the best niya, hindi siya manalo kay Bong, sa totoo lang,” ani Pangulo.

“Ano mang nagawa ni Mar? Kayo tanungin ko kayo. Kayong nag-Liberal, magtanong lang ako sa’yo, anong nagawa niya? Ano ang nagawa niya naiwan niya sa bayan? Secretary of Trade, kay Aquino — ah kay Macapagal. Tapos lukso siya sa… pagkatapos eleksyon, lukso siya doon kay Aquino, Secretary of Finance. Tapos Secretary of Communications. Tapos DILG. Nadaanan man niya lahat ‘yan. Tapos porma. Ano ang nagawa niya? Bigyan mo ako isa. Maski isa lang,” dagdag ng Pangulo.

KAY ERIN TANADA:
Binatikos din ng Pangulo si senatorial candidate Erin Tanada na proud pang maging miyembro ng makakaliwang grupo.

“Erin Tañada? And proud sila diyan sa Left. They think that it’s popular. Tingnan mo ang kakapal ng mukha. Gagawa pa ng ticket Otso Diretso,” sabi ng Pangulo.

KAY ATTY. ROMULO MACALINTAL:
Hindi rin nakusot sa batikos si Atty. Romulo Macalintal na ayon sa Pangulo, abogado lamang kapag may pera ang isang kliyente.

“Macalintal abugado. Abugado ka lang kung may pera ka. Papasok diyan wala kang pera,” sabi ng Pangulo.

KAY BAM AQUINO:
Binatikos din ng Pangulo si re-electionist Senator Bam Aquino na puro saway at batikos lamang aniya ang nagawa sa administrasyon.

Aniya, kamukha lang ni Bam ang kanyang tiyuhin na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., pero wala namang significant na nagawa sa loob ng Senado.

“Bam Aquino. Alam mo maski ano ka, Bam, malayo ka sa… Kamukha ka lang. Pero ‘yung… ano bang significant na nagawa mo? What have you done that is really impressive? Puro kayo oposisyon, puro kayo saway,” sabi ng Pangulo.

KAY GARY ALEJANO:
Binalaan din ng Pangulo ang mga botante na huwag magkakamaling iboto sa pagka-senador si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na panay english lamang dahil sa pagiging PMAer subalit tiyak na le-lechonin din.

Aniya, panay pagrerebelde ang ginawa ng Magdalo sa Makati noon pero pagdating ng mga pulis ay surrender naman kaagad.

“Alejano, walang sense talaga magsalita. Marunong mag-English kasi PMAer eh. Lelechonin talaga ‘yan sila doon,” ani Pangulo.

“Kaya huwag kayong magkamali ‘yang Magdalo na ‘yan. Tingnan mo Magdalo nag-revolt diyan sa Makati, sigaw-sigaw pa si Trillanes, pagdating ng pulis, nag- surrender,’ dagdag nito.

KAY CHEL DIOKNO:
Binanatan din ng Pangulo si Chel Diokno na nagpapakilalang human rights lawyer pero malayo naman sa katauhan ng kanyang ama.

“Kalayo niya sa tatay niya. ‘Yung si W. Diokno. ‘Yun ang kuyaw. Pero ito, wala ito. Tignan mo magsalita. Wala. Walang ka ano. Maski mag-istorya siguro ito ng impyerno, masusunog kami doon. Kawawa naman kami kung… Hindi mo madala ang gobyerno,” sabi ng Pangulo.

KAY ATTY. FLORIN HILBAY:
Kinuwetsyun din ng Pangulo ang kwalipikasyon ni Atty. Florin Hilbay na hindi naman aniya kayang talunin ang kanyang pambatong si Francis Tolentino.

“Sino diyan sa lahat makatalo ni Tolentino in terms of qualification? Sige nga. Magsabi ka ng kandidato. Macalintal, Hilbay, si Tañada, sige daw,” sabi ng Pangulo.

KAY SAMIRA GUTOC:
Hindi naman binanatan ng Pangulo ang natatanging babaeng pambato ng Otso Diretso na si Samira Gutoc.

Ayon sa pangulo, babae kasi si Gutoc kung kaya isasarado na lamang niya ang kanyang bibig.

“Si Samira, babae man ‘yan, ayaw ko magsalita diyan. Eh ganun ‘yan ang rule eh pagka-babae kalaban mo, you just shut up. Samira Ali Gutoc. So I have nothing to say to you, ma’am,” sabi ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment