fbpx
≡ Menu

Bagong kasal sa Sarangani, gumamit ng bridal horse habang graduation march ang background music

Bagong kasal sa Sarangani, gumamit ng bridal horse habang graduation march ang background music

Payak pero masaya ang naging kasalan ng isang magkasintahan sa Saranggani, na gumamit ng kabayo sa halip na bridal car at graduation march music bilang kanilang wedding march.

Nakilala ang bagong kasal na sina Syren at Romnick Condiman.

Ayon sa Facebook uploader na si Ellen Rose Juban Gascon, walang maaaring sakyan kundi kabayo lang dahil malayo at matarik ang daan papunta sa kanilang lugar.

At nang makarating sa highway sina Syren at Romnick, nagmotor pa sila patungong simbahan.

Kahit walang wedding march music, nagpatugtog na lang ng graduation march music dahil yung lamang raw ang mayroon sila.

Sa huli, happy ending pa rin para ang mag-asawa sa kanilang kasal.