in

Malinis na ang Bonifacio Shrine matapos madiskubre ni Mayor Isko Moreno ang maraming ‘etchas’ sa lugar

Matapos matuklasan ni Manila Mayor Isko Moreno na puno ng dumi ng tao ang paligid ng Bonifacio Shrine sa Maynila ay isinailalim na ito sa paglilinis.

Nagsagawa na ng ‘flushing’ ang mga tauhan ng Department of Public Safety (DPS) ng Manila City Hall sa lugar.

Ginamitan ng sabon at malakas na pressure ng tubig ang palibot ng bantayog ni Andres Bonifacio para malinis ito at mawala din ang mabahong amoy.

Ang mga tindahan at kainan sa tinatawag na ‘Kartilya Park’ sa likuran ng Bonifacio Shrine ay giniba na rin.

Mababatid na labis na nadismaya ang alkalde nang makita ang nakadidiring sitwasyon sa Bonifacio Shrine dahil sa nagkalat na dumi ng tao na aniya nagmistulang kubeta ng bayan.

Habang nag-iinspeksyon ay aksidente pang nakatapak ng dumi si Moreno.

Ang ikinapikon pa ni Mayor Isko na ilang metro lamang ang layo nito sa Office of the Mayor sa City Hall ng Maynila.

Inatasan na din ng alkalde ang Manila Police District na bantayan ang lugar at arestuhin ang mga tumatambay sa gabi tulad ng mga solvent boys.

Ilan namang mga istruktura sa lugar o maliit na tindahan ang pinapa-demolish na rin.

Samantala, iniutos ni Mayor Isko ang pagsibak sa hepe ng Lawton Police Community Precinct na nakasasakop sa lugar dahil sa insidente.

WATCH: Binubugahan ng tubig ang paligid ng Andres Bonifacio Shrine ngayong umaga para malinis ito, isang araw matapos ang inspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0