in

Bam Aquino, wala ng pag-asa sa Senado? Laglag na sa bagong partial at official tally ng Comelec

Pasok na muli si re-electionist Sen. JV Ejercito sa winner’s circle ng partial at official count ng Commission on Elections (Comelec) sa senatorial race, habang laglag naman sa 13th spot ang opposition candidate na si Sen. Bam Aquino.

Ayon sa official and partial tally ng National Board of Canvassers (NBOC), umarangkada patungo sa 11th spot si Ejercito na mayroong 6,079,028 na boto.

Ang pag-angat ni Ejercito ay siyang pagkalaglag ni Aquino sa 13th spot na may 5,722,776 na boto. Nagawang makalusot ni Aquino sa Magic 12 noong unang canvassing session ng NBOC.

Sa ngayon, 89 sa 167 na certificate of canvass (COC) na ang nabibilang ng Comelec.

Samantala sa partial at unofficial count ng Comelec, parehong hindi pa rin nakakalusot sina Ejercito at Aquino sa Magic 12.

Nasa 13th spot si Ejercito habang nasa 14th spot naman si Aquino.

Nasa 3% na lamang ng election returns ang hinihintay na maproseso para sa partial and unofficial tally ng Comelec.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0