P31-M halaga ng bagong kagamitan ng Philippine Coast Guard para sa Oplan Kahandaan: Typhoon Season, pinasinayaan

P31-M halaga ng bagong kagamitan ng Philippine Coast Guard para sa Oplan Kahandaan: Typhoon Season, pinasinayaan

Pinasinayaan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P31 million Rescue and Coastal Patrol Asset para sa paghahanda sa panahon ng tag-ulan o “Oplan Kahandaan: Typhoon Season”.

Pinangunahan ni Admiral Elson Hermigino, PCG Commandant ang pagpapasinaya sa nasabing mga rescue assets.

Ayon kay Hermigino, bilang bahagi ng capability development project, ang karagdagang water crafts kabilang ang 20 alumninum boat, 20 jetski, 20 7-meter rigid hull flatable boat na may tig-2 makina at 60 multipurpose van ay gagamitin para sa preparasyon ng tag-ulan at inaasahang banta ng mga bagyo at pagresponde sa mga matinding pagbaha.

Ayon pa kay Hermigino, magsagagawa na rin sila ng mga pagsasanay sa pagpapatakbo ng mga bagong mga kagamitang ito, sa pangunguna ng special operations force ng PCG.

Patatakbuhin ng PCG Special Operation Force ang rescue assets na siyang gagamitin sa panahon ng tag-ulan para sa maritime search and rescue, maritime security, coastal patrol and land-based disasters dulot ng masamang panahon at bagyo.

Sa susunod na buwan ay mayroon pa aniyang karagdagang 73 bagong barko o rescue vessel na magmumula sa France at 12 seven-meter rigid hull inflatable boats na gagamitin sa rescue operations, patrol at interception.

WATCH: THE PHILIPPINE COAST GUARD SHOWS OFF THEIR EQUIPMENT IN PREPARATION FOR THE EXPECTED THREATS OF TYPHOONS