in

Netizens, nanawagang buhayin ang death penalty dahil sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na babae

Muling nabuhay ang panawagan na ibalik ang death penalty sa Pilipinas matapos ang malagim na sinapit ng isang 16-anyos na babaeng estudyante na binalatan pa ang mukha sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, Cebu.

Una nito, nagtaka na lamang ang mga residenteng nakatira malapit sa bakanteng lote dahil sa pagkukumpulan ng mga aso.

Nang tinitingnan ito ng mga residente, laking gulat na lamang nila nang tumambad ang wala ng buhay na katawan ng biktima at walang pang-ibabang damit.

Makikita na rin ang bungo nito dahil binalatan ang mukha nito ng responsable sa krimen.

Bagama’t halos hindi na makilala ang mukha ng biktima, nakilala pa rin ito ng kanyang ina dahil sa suot nitong damit.

Nakiramay ang mga netizen sa pagkamatay ni Christine Lee Silawan sa social media kasabay ng pagkuwestiyon kung hindi pa ba dapat na ipatupad ang death penalty sa ganoong klase ng krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment