Risa Hontiveros, umalma sa mandatory ROTC sa senior high students; naniniwalang labag sa international law

Risa Hontiveros, umalma sa mandatory ROTC sa senior high students; naniniwalang labag sa international law

Tutol si Sen. Risa Hontiveros na maging ganap na batas ang Senate Bill 2232 na nag­lalayong ipatupad ang Reserve Officers’ Trai­ning Corps (ROTC) sa senior high school dahil lalabag umano ito sa isang international law.

Ipinaalala ni Hontiveros na halos menor de edad pa ang mga nasa Grades 11 at 12 na binabawalan pang su­mabak sa military trai­ning sa ilalim ng “Optio­nal Protocol to the United Nations Convention on the Rights of the Child” na isang protocol kung saan kabilang ang Pilipinas.

“Most students enrolled in Grades 11 and 12 are 16 to 17 year-olds. They are minors,” pahayag ni Hontiveros.

“Since the Armed Forces of the Philippines (AFP) is also composed of a ‘citizens’ armed force which shall undergo military training,’ we would be violating our international commitment if we compulsorily recruit into the reserved forces those who are not of the age of majority,” dagdag niya.

Paliwanag ni Hontiveros na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay kinabibilangan din ng isang ‘citizens’ armed force na mangu­nguna sa military trai­ning ng mga sasabak sa ROTC.

Nagpahayag din ng pag-aalala si Hontiveros kung saan kukunin ang pondo ang logistical requirements kung gagawaing mandatory ang ROTC lalo pa’t nasa 11,000 ang high schools sa bansa at kwestyonable pa ang implementasyon ng K to 12 program.

“How do we overcome the financial burden of institutionalizing ROTC in all these high schools? How can we assure the public of proper implementation when we can barely sustain our K to 12 program?” ani Hontiveros.

Bagaman at kinikilala umano ni Hontiveros ang kahalagahan ng military education at training para sa mga estudyante upang magamit siya sa national defense preparedness, pero dapat ay maging optio­nal at hindi mandatory sa mga estud­yante.