SolGen Jose Calida, hiniling sa Korte Suprema na maghain ng gag order kaugnay sa ABS-CBN franchise renewal

SolGen Jose Calida, hiniling sa Korte Suprema na maghain ng gag order kaugnay sa ABS-CBN franchise renewal

Nakiusap si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na maglabas ng gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang ng quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network.

Paglabag aniya ito ng “sub judice rule,” na pinagbabawalan ang sinuman na siyasatin in public ang isang nagpapatuloy na kaso para makaiwas sa pre-judgment o paunang hatol.

Lunes ng umaga, Pebrero 10, 2020, naghain si Calida sa Korte Suprema ng isang “very urgent omnibus motion” para ipawalang-bisa na ang legislative franchise ng ABS-CBN, na umano’y nagsasagawa ng “abusive practices” at lumabag sa mga patakaran sa prangkisa.

Inakusahan ni Calida na “nakikibahagi sa propaganda” ang broadcast media.

Sinaad niya ang Pebrero 14 video na pinamagatang “quo warranto vs. ABS-CBN, ano ang ibig sabihin?,” dalawa pang video, serye ng mga komentaryo na nilabas sa website ng ABS-CBN, maging mga artikulo na tungkol sa pahayag ng suporta ng mga Pinoy celebrities para sa ABS-CBN.

“These would tend to influence public opinion and unfairly encourage the pre-judgment of the instant case,” hayag ni Calida sa panibagong mosyon.

Na-offend din si Calida sa mga nilabas na pahayag ng ABS-CBN na naninindigang wala itong nilabag na batas at walang outstanding tax liability sa gobyerno.

“Verily, inasmuch as ABS-CBN unquestionably directed its statements on the merits of the quo warranto case to influence the public and members of this Honorable Court, this Honorable Court must issue an order prohibiting the parties and persons acting on their behalf from releasing any statements discussing the merits of the subject petition,” ani Calida.

Sinang-ayunan naman ng Malakanyang ang hirit ni Calida na magpalabas ng gag order ang Korte Suprema kaugnay sa quo warranto petition na inihain sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagiging emosyonal na kasi ang issue at marami nang sinasabi ang magkabilang panig.

Sa paniwala ni Panelo, kaya humirit si Calida ng gag order dahil tungkulin niya ito ay hindi dahil sa bwelta ng mga kritiko.

Sa ngayon, nakabinbin sa Korte Suprema ang quo warranto na inihain ni Calida para ipawalang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN na nakatakdang mapaso sa marso ng taong kasalukuyan.

Sinabi pa ni Panelo na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN at iginiit na tanging ang Kongreso ang may tanging kapangyarihan na magpasya kung palalawigin pa ito o hindi na.

“Tama naman siya dun. Kasi parang nagiging emotional ‘yung issue on this particular topic. It’s much ado about nothing. It’s not about press freedom. Members of congress if they are doing their duty i don’t think they can be stopped from asking questions relative to the matter. Perhaps the resource persons can be covered but not members of the Congress,” ani Panelo.


Source: Abante News, Philippine Daily Inquirer