BREAKING: Senator Koko Pimentel, nagpositibo sa COVID-19

BREAKING: Senator Koko Pimentel, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Senador Koko Pimentel na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ang ikalawang mambabatas na nagkaroon ng nakakamatay na virus maliban kay Senador Miguel Zubiri.

Sa pahayag ni Pimentel, noong Sabado, March 20 umano siya nagpa-test sa COVID-19, at March 24 lumabas ang resulta kung saan positibo ito sa naturang virus.

Naka-quarantine ngayon si Pimentel at ayon sa kanya ay bumubuti na rin ang kanyang kalagayan.

Nanghihingi ngayon ng dasal si Pimentel lalo para sa kanyang asawa na ilang araw na lang ay isisilang ang kanilang unang babaeng anak, ngunit hindi niya ito masasaksihan dahil kailangan sumailalim sa quarantine.

“I would like to ask for your prayers, especially for my wife Kath, who is about to give birth in the next few days to our first baby girl, and with whom I cannot be at this very important point in our lives as parents,” saad ni Pimentel.

Source: Abante News