in

Survivor ng lindol, ibinahagi kung paano nakaligtas ang kanyang pamilya sa gumuhong supermarket sa Pampanga

Isang milagro para kay Rogelio Pacelo, 39-anyos, na siya ay nakaligtas sa gumuhong Chuzon Supermarket sa bayan ng Porac kasunod ng magnitude 6.1 na lindol.

Kasama ni Rogelio ang kanyang asawa at 6-buwang gulang na anak na bumibili ng gamit para sa kanyang maliit na convenience store nang tumama ang malakas na pagyanig.

Batid ni Rogelio na hindi na sila makakalabas pang buhay sa loob ng supermarket hanggang sa isang empleyado ang nagturo sa kanila ng daanan palabas.

“Akala ko nga lang eh pelikula lang nangyayari ‘yun. Nagtanong nga ako sa Panginoon. Sabi ko, ‘Lord, ito na ba?’ Akala ko ‘yun na ‘yung end of the world talaga, akala ko katapusan na namin.”

Halos lahat umano ng tao ay duguan, sumisigaw, at nagpa-panic pero milagro na nakalabas sila ng walang galos. Maliban sa kanyang asawa na may konting sugat.

“Napakahirap po. Wala kaming ibang ginawa kundi humingi ng habag sa Panginoon. Wala na kaming choice.”

Hindi na pumunta ng ospital ang pamilya ni Rogelio at ngayon ay nagpapagaling na sa kanilang bahay.

Samantala, isinailalim na sa state of calamity ang munisipalidad ng Porac sa Pampanga matapos umabot na sa labing isa (11) ang nasawi dahil sa naturang pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0