in

14-anyos na babae, hinalay ng manliligaw na construction worker sa Quezon City; suspek, binugbog

Naaresto ng awtoridad ang isang lalaki matapos pagsamantalahan ang isang 14-anyos na dalagita sa Barangay Old Balara sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jag Loyd Sasutil, 21-anyos at isang construction worker sa naturang lungsod.

Ayon sa ina ng biktima, inutusan lamang niya ang anak na hanapin ang apat pa nitong kapatid dahil kakain na sila ng hapunan.

Ilang oras na raw ang nakakalipas ay hindi pa nakabalik ang dalagita sa kanilang bahay.

“May pumunta po sa amin na inaanak po ng tatay ko na nagmalasakit sa akin na, ‘Ate ‘yung anak mo nakita ko doon sa tabing-ilog, niyaya ng lalaki,” sabi ng nanay ng biktima.

Hindi na nila naabutan ang suspek at ang kaniyang anak sa may tabing-ilog. Natagpuan na lamang nila ang mga ito sa may sagingan na parehong nakahubad.

Napaiyak sa galit at labis na takot ang naramdaman ng ina dahil sa sinapit ng kaniyang anak.

“Tinakot daw po siya na ‘Dito ka lang, saglit lang itong gagawin natin. Sasaktan kita.’ Eh syempre ‘yung anak ko na ‘yun takot ‘yun kapag sinabi mo eh,” sabi ng ina ng biktima.

“Kung puwede lang patayin siya. Ipaglalaban ko ‘yung anak ko kahit sa kamatayan,” dagdag ng nanay ng biktima.

Nakatikim ng bugbog mula sa taumbayan si Sasutil na umamin sa krimeng nagawa.

“Inisip ko talaga ‘yun na gagalawin ko talaga siya. First time ko ngang ginawa ‘to,” sabi ni Sasutil.

Nahaharap ngayon sa kasong rape ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Quezon City Police District Station 6.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment