≡ Menu

P/LT. Col. Jovie Espenido, kabilang sa drug watchlist ng Pangulo; kinumpirma ni DILG Sec. Eduardo Año

P/LT. Col. Jovie Espenido, kabilang sa drug watchlist ng Pangulo; kinumpirma ni DILG Sec. Eduardo Año

Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kabilang sa iniimbestigahan si Police Lt. Col. Jovie Espenido dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Ayon sa kalihim na isa si Espenido sa 357 na police officers na kabilang sa drug watchlist ng gobyerno.

Dagdag pa nito na dadaan sa validation at imbestigasyon si Espenido.

“Yes, that’s true and he will also undergo validation and possible investigation,” saad ni Año.

Ibinunyag pa ni Año na alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakasangkot ni Espenido sa iligal droga.

Nabatid na si Espenido ay isa sa mga frontliner police officers ng Pangulo sa kampaniya ng administrasyon kontra iligal na droga.

Naging laman ng balita ang pangalan ni Espenido matapos masawi ang mga suspected narco politicians na sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog habang siya ang nagsisilbing chief of police sa nabanggit na mga lugar.