fbpx
≡ Menu

Isang OFW sa Hong Kong, na-scam ng kakilala ng halos P1-M matapos magpanggap na lalaki

Isang pinay Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong na kinilalang si Cheryl Bartina, 33-anyos, nagta-trabaho bilang babysitter ang dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action.

Inirereklamo ni Bartina ang kakilala niya na si Renerose Ogayre, 30-anyos, dahil sa paggawa nito ng poser o dummy account para lokohin at huthutan siya ng pera.

Nadamay din si Vincent Montenegro, may asawa at mga anak, dahil mga larawan niya ang ginamit sa panloloko kay Bartina.

Ayon sa kuwento ni Bartina, nakilala niya si Ogayre bago siya pumunta ng Hong Kong para magpa-medical.

Dito na raw ipinakilala ni Renerose sa kanya ang pinsan nito para maging ka textmate niya.

Kaya naman noong nasa Hong Kong na siya, nagulat nalang siya at biglang nagparamdam sa kanya sa social media ang nagpakilalang ‘pinsan’ ni Renerose.

Ang hindi alam ni Bartina, si Renerose lang din pala ang kumontak sa kanya. Sa loob ng 3 taon ay niloko siya nito at hinuthutan ng halos 1 million na pera at mga gamit.

Bumili pa si Bartina ng wedding ring para sana sa nalalapit nilang kasal, ang masaklap pa, nagpadala pa siya ng maseselang pictures kay Ogayre na ginagamit para i-blackmail siya.

Gumamit umano si Ogayre ng isang app para maging boses lalaki ito, kaya napaniwala ang biktima.

Isang beses ay nag-yaya si Bartina mag video call at aksidenteng napindot ni Renerose ang “accept” kaya laking gulat ng biktima nang makita niya na si Renerose pala ang kanyang ka-chat.

PANOORIN: PAKAKASALAN NIYA NA SANA, POSER LANG PALA?