in

Peter (Bikoy) Advincula, ibinunyag ang Project Sodoma para italaga bilang Pangulo si Leni Robredo at pabagsakin si Duterte

Matapos sumuko, naglabas ng pahayag si Peter Advincula alyas “Bikoy” para pasinungalingan ang lahat ng kaniyang mga inilantad sa “Ang Totoong Narcolist” propaganda videos.

Ayon kay Advincula, ang lahat ng episode 1 to 5 ng “Ang Totoong Narcolist” kung saan siya ang narrator sa mga video ay pawang scripted lahat at kasinungalingan.

Ibinunyag din ni Advincula ang “Project Sodoma” na ang layon ay pabagsakin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte para maitalaga bilang pangulo si Vice President Leni Robredo.

At kapag naging presidente na si Robredo ay itatalaga nitong bise presidente si Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Advincula, 9 na buwan na pinagplanuhan ang proyekto at personal niyang nakakausap tungkol dito si Sen. Trillanes, Sen. Risa Hontiveros at staff ni Sen. Leila De Lima.

Sa ilalim ng “Project Sodoma” gagawa ng mga isyu para i-divert ang atensyon ng tao dahil masyadong mataas ang ratings ng administrasyong Duterte.

Bahagi aniya ng plano ang naging pahayag ng dating police official na si Eduardo Acierto laban kay senator-elect Christopher “Bong” Go.

“Ang plano ng kabilang kampo gumawa ng issue para madivert ang pansin ng tao at hindi lang yung sa akin ang plano doon, marami pang nauna. Yung pagsalita ni Acierto na iniuugnay niya si Bong Go kasama iyon sa script para umingay at madivert ang tao,” ayon kay Advincula.

Giit ni Advincula, pinangakuan siya na kapag naisakatuparan ang lahat ng plano ay babayaran siya at i-aabsolute pardon siya sa mga kaso at bibigyan pa ng posisyon sa gobyerno.

Aminado si Advincula na mali ang kaniyang ginawa at nagpasilaw siya sa pera at ito aniya ang nakikita niyang pamamaraan upang itama ang mga pagkakamali niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment