in

Pangulong Duterte, personal na nakiramay sa mga biktima ng magnitude 6.1 na lindol sa Pampanga

Personal na pinuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng lindol sa punerarya sa San Fernando, Pampanga bago tumuloy sa ground zero sa bayan ng Porac na malubhang naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol noong Lunes ng hapon, Abril 22.

Dumating ang Pangulo sa Punzalan Funeral Homes alas-5 ng hapon, parehong oras nang mangyari ang malakas na lindol.

Binisita ng Pangulo ang mga nasawing biktima na nadaganan ng pagguho at ipinaabot ang pakikiramay sa pamilya ng mga ito.

Mula sa punerarya ay tumuloy ang Pangulo sa ground zero sa Porac at tiningnan ang ginagawang search and retrieval operation sa gumuhong Chuzon Supermarket sa pagbakasakaling may mailigtas pang buhay ang mga awtoridad.

Personal na pinasalamatan ng Pangulo ang mga nagsasagawa ng search and retrieval operations at makalipas ang ilang minuto ay nagtungo na ito sa San Fernando para sa situation briefing na ibibigay sa kanya ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga local executive.

Kasama ng Pangulo sa ground zero sina dating Pangulo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Bong Go, Francis Tolentino at iba pang mga opisyal ng gobyerno.

WATCH: PRESIDENT RODRIGO DUTERTE PRESIDES OVER A SITUATION BRIEFING AT THE PROVINCIAL CAPITOL IN SAN FERNANDO CITY, PAMPANGA

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0