≡ Menu

Monopolyo ng ABS-CBN Corporation, idenetalye

Monopolyo ng ABS-CBN Corporation, idenetalye

Ibinunyag ni Solicitor General Jose C. Calida ang mga detalye ng kanyang akusasyon laban sa ABS-CBN Corporation at kung paano nito ilegal na binibili ang maliliit na korporasyon na may legislative franchises sa mga frequency at gumagamit ng investment schemes para makaiwas sa itinakda ng ating Konstitusyon ukol sa pagbabawal sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ng negosyong may kinalaman sa mass media sa ating bansa.

“With the ploy being employed by ABS-CBN Corporation in acquiring several interests in corporations that hold legislative franchises in broadcasting as well as telecommunication services, the government is being hoodwinked as it is made to believe that the finite and limited spectrum had been allocated to those that are worthy to be accorded the privilege, when in truth it is only being utilized by one corporation, ABS-CBN,” bahagi ng pahayag ni Calida sa kanyang 63 pahinang petisyon para sa quo warranto na isinumite sa Korte Suprema noong Pebrero 10.

Binatikos din ni Calida na ang paggamit sa Philippine Depository Receipts (PDRs) ng ABS-CBN Holdings Corp. ay hindi lang ipinagbabawal ng Konstitusyon kundi “criminal liability is also imposed on those who violate foreign equity restrictions and evade nationalization laws of the Philippines through various modes of proxy arrangement, making it appear as legal, but the entirety of the arrangement is to accomplish a transaction not allowed under Philippine laws”.

Aniya, ang pagbili ng maliliit na negosyo na may sariling legislative franchise ay paglabag sa “standard terms in these firm’s franchise grant which provides that the grantee shall not lease, transfer nor shall the controlling interest in the grantee be transferred, whether as a whole or in parts and whether simultaneously “to any such person, firm, company without the prior approval of the Congress of the Philippines.”

Binanggit niya ang Multi-Media Telephony na ipinakikilala bilang ABS-CBN Convergence, kung saan nagamit ng huli ang legislative franchise ng una at nakakuha ng provisional authority sa loob ng tatlong taon mula Abril 12, 2014 sa National Telecommunications Commission (NTC).

“The use by ABS CBN Convergence of the name of Multi-Media Telephony is contrary to public policy, as it will only result in confusion and open the door to frauds and evasions and difficulties of administration and supervision,” ayon sa petisyon ni Calida.

Ang Multi-Media ay na-incorporated noong Setyembre 20, 1993, at nakakuha ng legislative franchise bilang wireless communication paging system. Ito ang itinuring na fourth player sa lumalago noon na paging industry kasabay ng Easycall, Pocketbell at Beeper 150.

Noong Hulyo 23, 2015, ginamit nito ang corporate name na ABS-CBN Convergence sa pag-aaplay ng “provisional authority and request for the grant of additional frequencies” sa NTC.

Mali rin para kay Calida ang pagkakabili sa Amcara na ngayon ay ABS-CBN Sports and Action.

Aniya, “The temerity of ABS-CBN Corporation to monopolize the frequencies or airwaves of the State can be readily seen from its investment in Amcara Broadcasting Network, Inc. (Amcara), another broadcasting company holding a legislative franchise under RA (Republic Act) 8135.”

Ang Amcara ay na-incorporated noong Abril 11, 1994, at nabigyan ng legislative franchise at naisabatas noong Hulyo 16, 1995, at mapapaso na sa Hulyo 16, 2020.

Nagsimula ang Amcara na magsahimpapawid ng mga programa nito gamit ang Channel 23. Ang Channel 23 ay naging Studio 23 noong 2010 at muling inilunsad bilang ABS-CBN Sports and Action noon 2014. Sinabi ng ABS-CBN noong 2012 na namuhunan ito ng “49 percent of equity interest or ownership in Amcara” na ikinukonsidera ng ABS-CBN bilang isa sa mga subsidiary nito.

Sinabi ni Calida na minanipula ng ABS-CBN ang “constitutional ban on foreign investments in mass media entities” sa pamamagitan ng paggamit ng PDRs.

Bagaman at ang tunay na nagmamay-ari sa “underlying shares” ABS-CBN Corporation ay nananatiling ang ABS Holdings, ang mga PDRs na ipinagkaloob sa mga non-Filipino citizens ay nagbigay sa mga dayuhan ng karapatan para mamuhunan sa mass media corporations gaya ng ABS-CBN Corporations — “which is a leverage to bargain for far greater control through the various enhancing mechanisms or proportionality-limiting measures available in the business world,” ayon sa petisyon.

Dagdag pa ng Solicitor General, “ABS-CBN Holdings even admits that the purpose of PDRs is to obtain foreign investment to increase their undervalued shares, and to allow foreigners to participate in mass media. As can be gleaned from the disclosure, ABS-CBN Corporation has, for all intents and purposes, allowed foreigners to influence and participate in the mass media enterprise of the Philippines through the PDRs. This is exactly what the 1987 Constitution prohibits.”

Ang pag-iisyu ng ABS-CBN Holdings ng PDRs sa mga non-Filipino citizens ay isang sistema — “making it appears that the shares remain with the Filipino corporation while granting influence over the mass media enterprise to foreign investors.” Ang isang foreign investor, sa kasong ito, ay kikita mula sa isang “mass media corporation with a foreign equity restriction”.

Noong Oktubre 16, 2019, batay sa itinakda sa “beneficial ownership disclosure” ng ABS-CBN Holdings, ang Prudential Singapore Holdings Pte. Ltd., isang Singaporean corporation, ay itinuturing na substantial holder ng 15,656,570 PDRs na iniisyu ng ABS-CBN Holdings. Ang PDRs ay nakapaloob sa iba’t ibang pondo na pinamamahalaan ng subsidiary nito na Eastspring Investment Singapore Ltd., isa ring Singaporean corporation.

Ang mga PDR holders ay kumikita ng dibidendo mula sa kanilang investment sa ABS-CBN Corporation shares sa pamamagitan ng PDRs na iniisyu ng ABS- CBN Holdings.

Ang mga dibidendo na nakadeklara bilang interes o tubo dahil sa PDR holders ay nagkakahalaga ng PHP187.2 milyon noong 2018, PHP334.2 milyon noong 2017 at PHP239.9 milyon noong 2016.

Ang mga TPDR holders na dayuhang mamumuhunan ay hindi lang kikita mula sa isang korporasyon na hindi dapat magkaroon ng foreign equity gaya ng ABS-CBN — kundi, hindi man direkta — ay nagmamay-ari rin ng korporasyon dahil sa kanilang investments, ayon pa kay Calida.

Noong Pebrero 11, inatasan ng Korte Suprema ang ABS-CBN na magkomento sa quo warranto ni Calida sa loob ng 10 araw.

Samantala, pinabulaanan naman ng ABS-CBN ang mga alegasyon ni Calida at sinabing ang mga iyon ay “without merit”.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng korporasyon na ang PDRs ay “evaluated and approved” ng Securities and Exchange Commission at ng Philippine Stock Exchange bago nila binuksan sa publiko.

Source: Balita Central, Philippine News Agency