≡ Menu

Radio program ni Erwin Tulfo, tinanggal matapos ang isyu kay DSWD Sec. Rolando Bautista

Radio program ni Erwin Tulfo, tinanggal matapos ang isyu kay DSWD Sec. Rolando Bautista

Hindi na umere ang programa ni broadcast journalist Erwin Tulfo sa government radio station na Radyo Pilipinas.

Ang ‘Tutok Erwin Tulfo’ program na karaniwang napapakinggan tuwing alas-10:00 nang umaga hanggang alas-12:00 nang tanghali mula Lunes hanggang Biyernes ay hindi napakinggan at sa halip ay ang progra­mang ‘Birada ni Bendijo’ ang umere na ang host ay si Aljo Bendijo.

Gayunman, ayaw kumpirmahin ng mga opisyal ng Philippine Broadcasting Service (PBS) kung tinanggal na ba ang programa o sinuspinde lang.

Ayon kay Bong Aportadera, director gene­ral ng Phi­lippine Broadcastin­g Service (PBS) na hindi muna sila magbibigay ng komento patungkol kay Tulfo dahil may pag-uusapan pa ang mga opisyal.

“No comment muna, nag-uusap pa ang mga opis­yal ng Radyo Pilipinas hinggi­l sa insidente. Maglalabas sila ng official statement sa susunod na Linggo,” ani Aportadera.

Mababatid na na nag-ugat ang isyu sa ginawang pagmumura at pagpuna ni Tulfo kay DSWD secretary Rolando Bautista gamit ang airtime ng kanyang programa matapos hindi magpaunlak ng panayam sa kanya ang opisyal.