fbpx
≡ Menu

Netizen, may mensahe para kay Gretchen Diez: Pinili mong maging iba, bakit kailangan maghirap ang iba para mabuhay ka ng komportable?

Nag-viral ngayon sa social media ang isang “open letter” ng isang netizen tungkol sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill at para kay Greg Martin Diez aka Gretchen Diez, ang transgender na pinigilan ng isang janitress na gumamit ng ladies comfort room sa isang mall sa Quezon City.

Sa bukas na liham na ibinahagi ni Pidz Cabrera sa kaniyang Facebook account, tinatanong nito ang transgender kung bakit kailangan ng ibang tao na mag-sakripisyo para sa kanyang ginustong kalagayan.

Naniniwala si Cabrera na hindi equality at acceptance ang gusto ni Diez kundi ay special treatment.

Giit ni Cabrera na may mga taong mas nararapat na makatanggap ng special treatment tulad ng ipinanganak na may kapansanan.

Aniya, dapat isipin ni Greg na mas may nakararami pang tao ang dapat ding magtamasa ng kanilang karapatan at prebilehiyo.

BASAHIN ANG BUONG BUKAS NA LIHAM NI PIDZ CABRERA:
DEAL WITH IT!

Pinili mong maging iba, taliwas sa kondisyon kung paano ka pinanganak. Walang pumilit sayo, hindi ka pinuwersang mamuhay ng ganyan. Ikaw ang nagdesisyon na gawin yan, ikaw ang pumili. Ikaw.

Ngayon, bakit kailangan ibang tao ang mag adjust at mag adapt? Bakit kailangan maghirap ang iba at maapektuhan ang pamumuhay ng marami para mabuhay ka ng komportable?

Hindi equality at acceptance gusto mo kundi ay special treatment at the expense of others. Masyado kang concious sa mga rights mo, kumusta naman rights and privacy ng iba?

Maraming tao ang pinanganak with special needs. Hindi nila pinili yun. Wala silang magagawa. They are born with disabilities. Walang taong gusto ipanganak na bulag, lumpo o may kapansanan. I guess they are ones who need special treatment.

Hindi ikaw na pinanganak naman ng normal at maayos pero piniling mamuhay ng iba sa normal at sa estado ng iyong kapanganakan. Yours is not a disability but a lifestyle choice. Wala kang kapansanan. Hindi mo kailangan ng special treatment.

Expressing your self is OK. Being different is OK. Being true to your feelings is OK. Demanding equality and rights is OK. But remember, YOUR RIGHTS AND PRIVILEGES ARE LIMITED BY THE WAY THEY OBSTRUCT WITH THE RIGHTS OF OTHERS. DEAL WITH IT. YOU DECIDED TO LIVE THAT WAY. DEAL WITH IT.