fbpx
≡ Menu

Mayor Sara Duterte, emosyonal nang malaman na 12-0 ang HNP candidates sa Davao

Mayor Sara Duterte, emosyonal nang malaman na 12-0 ang HNP candidates sa Davao

Naging emosyonal si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nang malaman na dominado ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa kanyang balwarte matapos makuha ng lahat ng kanyang senatorial candidates ang top 12 sa kanilang siyudad.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng alkalde na siya ay naging emosyonal matapos malaman ang naging buong suporta ng mga Davaoeno sa kanyang partido.

“I am bowed and humbled. I am not a person who cries easily but when it was definite that Davao City delivered a 12-0 for Senators of HNP, the tears flowed and the sobbing followed,” ayon kay Sara sa kanyang Instagram post.

Kanya namang pinasalamatan ang mga Davaoeno sa suporta na ibinigay sa kanyang partido.

“Daghang Salamat sa inyong tanan, I have said that I feel alone everyday stressing over making sure Davao is ok but when I need am in distress, Dabawenyos carry me on their back,” aniya pa.