fbpx
≡ Menu

Outgoing Cebu City Mayor Tommy Osmeña, dinepensahan ang pagtanggal ng gamit sa opisina: Ako ang naggastos sa mayor’s office

Outgoing Cebu City Mayor Tommy Osmeña, dinepensahan ang pagtanggal ng gamit sa opisina: Ako ang naggastos sa mayor’s office

Mariin na dinepensahan ni outgoing Cebu City Mayor Tomas Osmeña ang desisyon niyang tanggalin ang mga gamit maging floor tiles, ceiling at glass divider sa opisina ng Mayor’s Office sa City Hall.

Ayon kay Osmeña, wala siyang tinirang gamit sa opisina dahil siya raw ang gumastos para sa pagpapagawa nito.

“Ako ang naggastos sa mayor’s office. I had to spend for everything,” ani Osmeñ.

Kung paano dinatnan ni Osmeña ang Mayor’s Office noong 2010, ganoon din ito dadatnan ni incoming Cebu City Mayor Edgar Labella.

Sinabi rin ni Osmeña na noong pinamunuan ni Labella ang city council noong 2010, humingi siya ng pondo para ipaayos ang Mayor’s Office pero hindi ito binigay ng konseho noong 2016.

“I know sa mga tao it’s very unusual for the mayor to strip his office… But on the other hand, it’s also very rare na that the city council will not allow the mayor to fix his office,” ani Osmeña.

Ayon naman kay Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing, posibleng ireklamo si Osmeña sa Ombudsman dahil labag sa batas ang ginawa niya.