in

1 sa 2 suspek sa Bulacan massacre, natagpuang patay sa CR ng kanilang selda

Natagpuang wala nang buhay sa palikuran ng kanilang selda ang isa sa dalawang suspek sa pagmasaker sa isang ina at dalawang anak na lalaki sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay San Jose del Monte Police chief Lieutenant Colonel Orlando Castil Jr., na nagpakamatay ang suspek na si Joselito Cortez, 48-anyos.

Nakita umano ng kasamang preso ang katawan ni Cortez na nakasabit sa palikuran ng detention cell gamit ang electric wires na nakapulupot sa leeg nito.

Ilang araw na umanong napapansin si Joselito na kakaiba ang kinikilos at hindi na rin aniya ito kumakain nang maayos.

Magugunita na noong ika-3 ng Abril nang makitang patay na at duguan sa loob ng kanilang bahay si Jaymee Casabuena, 28-anyos at dalawang anak niyang lalaki na sina Gabriel, 8-anyos, at Joaquin Mateo, 5-anyos.

Sa isinagawang follow-up operation, naaresto si Joselito sa Barangay San Manuel, San Jose Del Monte City habang ang isa pang suspek na si Wilson Cortez ay sa North Caloocan

Isinugod pa sa ospital ang suspek pero idineklara itong dead on arrival.

Isasailaim naman sa autopsy examination ang bangkay nito para malaman kung nagkaroon ng foul play sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0