fbpx
≡ Menu

Outgoing Cebu City Mayor Tommy Osmeña, malinis na binakante ang kaniyang opisina para sa bagong admin

Literal na binakante ni outgoing Cebu City Mayor Tommy Osmeña ang Mayor’s office bago ang pagtatapos ng kaniyang termino sa Hunyo 30.

Maski ang mga empleyado ni Osmeña ay ikinagulat nang makitang hinubaran ang opisina sa 8th floor ng executive building mula kisame hanggang sahig.

Tinanggal kasi ang mga salamin na divider, kisame, pati na tiles sa banyo at kusina, pawang semento na lang ang makikita sa opisina.

Ayon kay Bimbo Fernandez, executive assistant ni Osmeña, binawi lang ng Mayor ang kaniyang mga pag-aari sa kwarto.

Ginamit aniya kasi ni Osmeña ang sarili niyang pera para i-renovate ang kaniyang opisina nang hindi pahintulutan ng City Council ang kaniyang hiling na P2 million na budget noong 2016.

Pinag-iisipan na ng kampo ni Cebu City Mayor-elect Edgar Labella ang pagsasampa ng kaso kay Osmeña at kaniyang mga staff dahil sa umano’y pagsira sa Mayor’s office.