fbpx
≡ Menu

Bato dela Rosa kay Leni Robredo sa war on drugs: Hindi ka puwedeng pacute-cute dito. Hindi ito beauty contest

Bato dela Rosa kay Leni Robredo sa war on drugs: Hindi ka puwedeng pacute-cute dito. Hindi ito beauty contest

Pinaalalahanan ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa si Vice President Leni Robredo na seryoso ang laban ng admistrasyon kontra sa iligal na droga.

“War is not a bed of roses, hindi naman ito puwedeng pa-cute cute lang, di naman puwedeng paboka-boka lang, aksyon ito,” sabi ni Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at unang nagpatupad ng kampanya laban sa droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“You have to fight, hindi ka pwedeng pacute-cute dito. Hindi ito beauty contest, giyera ito,” dagdag pa nito.

Sa kampanya laban sa droga, sinabi ni Dela Rosa na hindi naman umano maiiwasan na may namamatay sa war on drugs kaya’t dapat asahan na ito ni Robredo.

“Bakit may war ba na walang namamatay? Hindi ka mag-wage ng war walang mamatay, lalaki at lalaki ang negosyo ng droga, dadami ang apektado sa drug problem,” ani Dela Rosa.

Payo pa nito kay Robredo, kailangang hindi mahaluan ng politika ang kampanya laban sa iligal na droga, hindi naman aniya ito isang political problem.

“She has to be tough. You should look at the problem not as a political problem. ‘Wag mo haluan ng pulitika, tignan mo ito as a social problem dahil pag pinasukan ng pulitika magkakawindang-windang,” ayon kay Dela Rosa.

Sa isang press briefing, tinanggap ni Robredo ang alok ni Pangulong Duterte na maging co-chairman ng Inter-Agency Committee Anti-Illegal Drug (ICAD) para labanan ang droga sa bansa.

WATCH: Senator Ronald dela Rosa gave this piece of advice to Vice President Leni Robredo who recently accepted the position as co-chair of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).