in

COMELEC, may sariling grupo para labanan ang umano’y “fake news” sa overseas absentee voting

Nakahanda na umano ang isang grupo ng Commission on Elections (COMELEC) na pinangungunahan ni COMELEC spokesperson James Jimenez para sugpuin ang mga posibleng kakalat na mga “fake news” hinggil sa midterm elections sa social media kasabay ng pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV) sa ilang panig ng mundo.

Ito ay kasabay din sa matinding paghahanda ng COMELEC sa aktwal na midterm elections sa darating na Mayo.

Sinabi ni Jimenez na nagsanay umano ang kanyang grupo upang agad na makapagresponde sa mga posibleng “fake news” hinggil sa midterm election sa social media.

May mga paraan umano at kakayahan ang kanyang grupo na tanggalin agad sa mga social media lalo na sa Facebook ang mga maling balita impormasyon upang hindi na kumalat o mabasa pa ng mas maraming tao.

Aniya, pinag-aralan umano nila kung ano ang pinaka-epektibong solusyon upang masugpo ang mga nasabing klase ng balita na kakalat sa internet, lalo na sa mga fake accounts o sitwasyon na sisira sa kredibilidad ng COMELEC.

Una nang sinabi ni Jimenez na isa umano sa mga fake news na inaasahan nilang lalabas sa pagsisimula ng OAV ay ang video ng mga botante kung saan sinasabi nila na hindi tama ang lumabas sa kanilang resibo na mahigpit naman nitong kinondena at pinasinungalingan.

Inaasahan na rin umano ng ahensiya na may mga taong gagawa ng eksena hinggil sa iba’t-ibang klase ng dayaan na sa kalaunan ay isisi ang kapalpakan sa poll body.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0

Leave a Comment