in

Babaeng nanadyak, nanampal at galit na galit sa isang tindera ng prutas, nag-viral sa social media

Hindi natuwa ang maraming netizens sa inasal ng isang babaeng galit na galit sa isang tindera ng prutas.

Nakuhanan sa isang video ang hindi maawat na pagwawala ng isang babae habang nakikipagtalo sa mga tao sa isang prutasan.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Anjoe Garcia Andaya, tinadyakan at sinampal umano ng nag-aalburotong babae ang tindera ng prutas dahil sa paniningil nito ng bayad.

“Si ate galit na galit nanakit pa ng tindera. Kawawa yung tindera sinapak at tinadyakan pa. Hindi naman kukuha ng bayad yung mga tindera kung nakapagbayad na po kayo,” saad sa post ni Anadaya.

Ikinagalit raw kasi ng babae ang pagsingil ng bayad ng tindera na inakala niyang nagbayad na ang nanay niya.

Sinabi rin ng nanay ng babae na hindi pa siya nagbabayad habang inaawat ang kanyang galit na anak.

“Sana naman ateng wag init ulo agad. Inaawat kana ng nanay mo kase ikaw ang mali. Nasa kamay pa ng mama mo kaya ung pera na pambayad niya. Sana sa sunod ayusin ang katapangan,” dagdag ni Anadaya.

Ngunit tila mas lalo pa itong nagalit dahil maging ang mga umaawat rito ay hindi rin nito pinakinggan.

Makikita pa ang dalagang tindera na iyak ng iyak habang nakahawak sa kanyang pisngi.

Hanggang umalis ang mga ito ay tuloy pa rin ang galit ng babae kahit inaawat na ng mga tao sa lugar.

Dahil sa pangyayari, maraming netizens ang hindi natuwa sa inasal ng babae sa viral video na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Loading…

0